Hindi inakala ng isang PBI agent na mismong kasambahay nila ang dudukot sa kanyang anak sa loob ng kanilang bahay. Desperado siyang mailigtas ang bata kaya agad siyang nagsagawa ng rescue mission, ngunit doon niya natuklasan ang nakakakilabot na katotohanan na ang kanyang anak at iba pang mga batang dinukot ay inihahanda ng mga trafficker para sa mga kriminal sa online world.
Habang pinagdaraanan nina Isa at Martin ang kanilang paghihiwalay, naging mas kumplikado ang sitwasyon nang humingi ng tulong ang kanilang kapitbahay sa paghahanap sa nawawala nitong anak. Magiging dahilan kaya ang hindi inaasahang pangyayaring ito upang pansamantalang matigil ang kanilang paghihiwalay?
Nagpapatuloy ang Team Firewall at Major Crimes sa pagpapanggap bilang mga modelo sa isang photo shoot bilang bahagi ng kanilang imbestigasyon upang malaman kung si Cassandra nga ba ang nasa likod ng resort scam o kung may iba pang tunay na utak ng operasyon. Mabubunyag na kaya nila ang totoong mastermind?